News

Sangguniang Panlalawigan ng Laguna sisimulan na ang bagong gusali

Magkakaroon ng ng bagong gusali ang mga miyembro at kawani ng Sangguniang Panlalawigan ng Lagun sa hindi malayong panahon. Araw ng Lunes, October 23 ay nagsagawa ng ground breaking ceremony ang lokal na pamahalaan na pinangunahan ni Gov. Ramil Hernandez. Itatayo ang bagong Sangguniang Panlalawigan Building katabi ng Capitol Building ng Laguna sa bayan ng Sta. Cruz. Ayon sa lokal na pamahalaan, ngayong taon ang phase 1 ng konstruksyon samantalang ang phase 2 ay sa kasunod na taon mangyayari. Sa dalawang palapag na gusali ay ilalagay ang session hall ng sanggunian at dito rin ang opisina ng mga board members ng Laguna at mga staff nito. Magkakaroon din ng daanan o access sa pagitan ng dalawang gusali patungong festival grounds ng kapitolyo upang hindi mahirapan ang mga kawani sa pagpunta sa lugar.

Kasama ni Laguna Governor Ramil Hernandez sa Ground Breaking Ceremony para sa bagong building ng Sangguniang Panlalawigan si Vice Governor Karen Agapay, maybahay ni Gov. Hernandez na si Bokal Ruth Hernandez at ang iba pang mga bokal o board members ng una hanggang ikaapat na distrito ng kanilang lalawigan.

Pin It on Pinterest