News

Sariling convention center, hindi kailangan ng mamamayan ng Lucena City – dating alkalde ng lungsod

“Ang papatayo ng isang convention center na hindi naman kailangan ng mamamayan,” ‘yan ang naging pahayag ni dating Lucena City Mayor Ramon Talaga Jr. sa ekslusibong panayam ng 89.3 FM Max Radio sa programang MR. 4M kaugnay nng pondong hiniram umano ng City Government.

Ayon sa dating alkalde, sa halip na ipagpatayo ng convention center ang pondo, dapat anyang ibinayad na lamang ito sa mga lupa ng urban poor.

“Mayroon tayong sariling convention center sa Lucena na hindi naman pinagdadamot ng Governor’s Office. … mga proyektong pagkakakitaan yun ang iniisip eh sapagkat syempre ang mga contractor ay mga kamaganak, mga pinsan , ang problema sabi nga nina Ramil at Konsehal Villapando, bakit hindi yan 500 million na yan ay ibayad ninyo sa mga lupa ng urban poor na may problema sa lupa sapagkat napakaraming nadedemolish, nademolish ang Brgy. 4, Brgy. 2, Brgy. Market View, iniisa isa  na ang may ari ng lupa ay mga urban poor na yan,” ani ni Talaga.

Dagdag pa niya, walang malinaw na programa para sa urban poor ang kasalukuyang administrasyon kumpara noong kanyang panunungkulan.

Samantala, nauna  nang ibinandera ng administrayon ni Mayor Roderick Dondon Alcala ang Don Victor Ville housing project o ang pagkakaloob city government ng pabahay sa mga tsuper ng jeepney at mga kawaning saklaw ng job order .

Pin It on Pinterest