Satellite Office ng Comission on Audit (COA) gagawin na sa Batangas Province
Lumagda sa isang Memorandum of Agreement ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas at Commission on Audit (COA) para sa pagpapagawa ng COA Batangas Provincial Satellite Auditing Office sa Batangas Provincial Sports Complex, Bolbok, Batangas City noong ika-15 ng Enero 2018. Kinatawan ang Batangas Capitol ni Gov. Dodo Mandanas, samantalang si Chairperson Michael Aguinaldo naman ang sa COA sa pagpirma sa kasunduang ginanap sa People’s Mansion, Capitol Compound, Batangas City, na sinaksihan nina Provincial Administrato Levi Dimaunahan, Provincial Legal Officer Cesar Castor, Sr., COA IV-A Regional Director Mario Lipana at Acting Batangas Provincial Auditor Elena Luarca.
Nakapaloob sa MOA na binibigyang pahintulot ng pamahalaang panlalawigan ang COA na gamitin ang 3,000 square meter na bahagi ng Provincial Sports Complex para sa pagpapagawa ng kanilang tanggapan.
Lubos ang pasasalamat ni Chairman Aguinaldo sa tulong at suporta ng Batangas Provincial Government, sa pangunguna ni Gov. Mandanas, Vice Gov. Nas Ona at mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, na pinayagan ang COA na gamitin at manatili sa napagkasunduang lote sa loob ng 50 taon, na maaari pang i-renew ng 50 pang taon.