News

Seal of Good Local Governance assessment ginawa na sa Quezon

Isinagawa na kamakailan ang pagsisiyasat sa Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon para sa Seal of Good Local Governance (SGLG) na dinaluhan ng mga evaluators mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG). Ang SGLG ay naglalayong magbigay ng pagkilala sa mga natatanging lokal na pamahalan at kanilang mga best practices bilang simbolo ng integridad at mabuting pamamahala. Ngayong taon, itinaas ng DILG ang pamantayan ng kanilang inspeksyon. Bukod sa larangan ng Financial Administration, Disaster Preparedness, at Social Protection, idinagdag ang kategorya ng Peace and Order. Kasama ding susuriin ang Business Friendliness and Competitiveness, Environmental Management, at Tourism, Culture and the Arts.

Matapos makausap ang mga hepe ng tanggapan at siyasatin ang mga nakasumiteng ulat, nagsagawa rin ng inspeksyon sa mga pasilidad ng pamahalaang panlalawigan ang grupong nag-e-evaluate para sa SGLG. Lalabas naman ang resulta ng pagsusuri sa Oktubre ngayong taon.

Pin It on Pinterest