News

Seaweed farmers ng Quezon nakatanggap ng ayuda

Mayroong 80 magsasaka o seaweed farmers sa bayan ng Calauag, Quezon ang makikinabang sa programang seaweed production sa taong ito na 2018 matapos aprubahan ng Philippine Rural Development Program (PRDP) ng Department of Agriculture (DA) ang P11.2M para sa programang seaweed production. Sa idinaos na pagpupulong ng Quezon Seaweed Farmers Federation sa Ouan’s The Farm Resort sa lungsod na ito nitong Enero 10, sinabi ni Ramon Querubin, hepe ng fisheries division ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor, inaprobahan din ng Department of Agriculture sa ilalim ng PRDP ang halagang P1.9M para sa limang grupo ng mga magsasasaka o Seaweed Farmers’ Federation sa Polillo group na binubuo ng mga bayan ng Panukulan, Burdeos, Polillo, Patnanungan at Jomalig, Quezon kung saan may kabuuang 134 na seaweed farmers ang inaasahang makikinabang sa proyekto.

Sakop ng pondo na iri-release ang paggawa ng warehouse drying, pagkakaroon ng flat boat cargo, delivery truck, seaweed seedlings at pagsasagawa ng mga pagsasanay sa seaweed production and marketing. Samantala, ang pamahalaang panlalaawigan ng Quezon sa pangunguna ni Gobernador David Suarez ay may mga inilaan ring pondo para sa seaweed production project para sa mga seaweed farmers sa lalawigan ng Quezon. Ayon pa kay G. Querubin, ang lalawigan ng Quezon ay no. 1 producer ng seaweeds sa buong region-4A o CALABARZON region.

Pin It on Pinterest