Seguridad at pag-asiste sa mga pasahero, patuloy pa rin sa Port of Lucena
Patuloy ang ginagawang maigting na pagbabantay at pag-asiste ng hanay ng Quezon PNP Maritime Police Station sa Port of Lucena sa mga pasaherong pauwi ng probinsya dahil sa nagdaang Pasko at Bagong Taon.
Inaalalayan rin ng Quezon PNP Maritime Group ang mga pasaherong sasakay sa Roro Vessel patungong Marinduque at Romblom bilang bahagi ng kanilang Ligtas Paskuhan 2022.
Ayon kay PLT. Arnel Abrigo, Admin Officer ng Quezon Marpsta, kaisa ang ahensya sa pagpapanatili ng maayos na daloy ng mga pasahero sa pantalan.
Sa katunayan, sinabi ni Abrigo, walang naitalang untoward incident sa pagsisimula ng kanilang pagbabantay hanggang sa ngayon.
“So far naman maayos naman ang daloy ng pasahero at na-aasistehan naman ng Maritime Group katulong ang ibang sangay na nandito sa Port ng MarQuez (Marinduque – Quezon) and wala namang untoward incident na nangyayari bagkus ‘pag may mga pasabi galing sa taas ang inuuna naming pasakayin dito ay ‘yung mga matatanda and ‘yung may mga karga na sanggol ‘yun ang inuuna namin ‘yung ang ina-assist naming,” ani Abrigo.
Pinaigtingin din nila ang pagbabantay sa loob at labas ng pantalan upang matiyak na magiging ligtas ang mga pasahero laban sa anumang uri ng krimen.
“Actually nagsimula ‘yung unang batch ng nag-assist dito na Maritime sa pangunguna ni Lt. Cartago at isang opisyal galing Region (December 16-27) and ako na ‘yung nag-assume nung (December 27- up Jan. 6) kami very peaceful naman ang pangyayari dito sa Port MarQuez regarding sa Ligtas Paskuhan 2022,” saad ni Abrigo.