Seguridad ng mga turista sa Kamay ni Hesus, tiniyak ng Lucban PNP
Tiniyak ng Lucban Municipal Police Station na palalakasin pa nila ang pagbabantay sa sikat at dinarayong Kamay ni Hesus para na rin sa seguridad at kaligtasan ng mga turistang dumadayo rito.
Ayon kay Police Major Rizaldy Merene, hepe ng PNP Lucban, bagama’t hindi pa tuluyang sumapit ang semana santa, nagpapatupad na aniya sila ng ilang security control upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan.
Mahigpit na ipinagbabawal din ang pag-iinom ng alak sa tabi ng kalsada.
Kasalukuyan umanong nakakalat ang mga tourist police na nagbabantay sa mga turista at nagmamasid sa mga kahina-hinalang mga tao sa lugar. Panawagan lang ng opisyal sa mga turistang magtutungo sa bayan ng Lucban na maging mahinahon daw at mapagpasensya upang maiwasan ang kaguluhan.