News

Seguridad sa COC filing, pinaigting ng Lucena PNP

Tiniyak ng Lucena City Police Station ang mahigpit na seguridad sa paligid ng opisina ng Commission on Elections o COMELEC sa Lungsod ng Lucena.

Ito’y upang masiguro ang seguridad ng mga nais kumandidato para sa Barangay at Sangguniang Kabataan o SK elections matapos na umarangkada kahapon ang unang araw ng paghahain ng certificate of candidacy o COC.

Ito ang sinabi ni Patrolman Dharell Palmes, augmentation unit ng Lucena PNP sa panayam ng Bandilyo.ph at 89.3 FM Max Radio.

“Bale po ngayon pong araw na ito ay pinadala po kami ng aming hepe dito para magbantay dito sa unang araw ng filing ng Candidacy para din sa peace and order natin”.

Pinaghandaan rin aniya ng pulisya ang pagdagsa ng mga tagasuporta ng mga nagnanais kumandidato sa halalang pambarangay.

Maliban sa mga pulis, nakabantay din ang Commission on Elections o Comelec concerned local government units, at disaster personnel.

Samantala, tatagal naman ang paghahain ng COC ng hanggang September 2.

Pin It on Pinterest