News

Seguridad sa Port of Lucena mas pinahigpit

Maya’t maya ang pag-ikot sa loob at labas ng terminal building ng K9-Unit ng Philippine Coastguard upang masiguro na walang ano mang bagay na makakalusot sa loob ng pantalan ng Lucena City na maaring magdudulot sa banta ng seguridad ng port at mga mananakay.

Mahigpit ngayon ang seguridad sa Port of Lucena, nagsimula ng dumagsa ang mga biyaherong tatawid patungong Marinduque at Romblon para sa Holy Week Vacation.

Naka-full heightened alert status ang Port Police at Philippine Coastguard Southern Quezon kasama ang iba’t bang Law Enforcement Unit at Government agency upang matiyak ang kaligtasan ng mga mananakay at umalalay at magbigay assistance sa mga pasahero.

Maraming personnel ng PCQ Southern Quezon ang nakadeploy sa pantalan.

Ang mga PCG Personnel ipinakalat sa iba’t ibang bahagi ng Port, ang kanilang K9-Unit oras-oras pinaiikot, inaamoy ang mga bagahe sa loob at labas upang walang bomba, droga at ano mang bagay na magdudulot ang aberya.

Ayon kay PCG Southern Quezon Deputy Chief ENS Jan Dale Mickaelo Lecano handa ngayong Oplan Biyaheng Ayos 2023 ang kanilang unit.

‘’Ang ating mga personnel ay naka-assign sa iba’t ibang part sa ating Puerto mayroon silang iba’t ibang assignment.”

Naka-full force sa pantalanang PCG Quezon mula pa noong April 1, kung sakali mang magkakaroon ng aberya sa mga mananakay paalala ng opisyal na huwag mag-aatubiling lumapit sa mga awtoridad para sa ano mang tulong.

‘’Kung mayroon silang mga tanong pwede silang lumapit sa ating mga personnel sa kalooban ng pier.”

Sanib pwersa sa pantalan ang Lucena PNP, Quezon PNP Maritime, AFP, Lucena BFP, Lucena DRRMO at iba pa para sa siguridad umiikot din sa upang mamonitor ang sitwasyon.

May medical station din sa loob ng terminal building, may mga naka standby na nurse para sa mga pasaherong kinakailangan ng serbisyong medical.

Sa labas ng Terminal Buliding may BFP Fire Truck din naka standby.

Sa ngayon wala pa naman daw na naitatalang ano mang aberya, wala rin daw silang namomotor na ano mang seryong banta sa seguridad.

Ayon kay Kevin Largado ang Acting Chief Executive ng Port of Lucena oras-oras lagi silang nakamonitor sa sitwasyon ng pantalan.
Bagamat nasa ilalim ng full heightened alert status ang pantalan, ang kaligtasan ng bawat pasahero ay nananatiling nasa kanilang mga sarili parin, ibayong pag-iingat at maging alerto sa ano mang oras ang paalala ng mga awtorida sa mga biyahero.

Bagamat dagsa na ngayon ang mga bakasyunistang tatawid ng dagat patungong Marinduque at Romblon inaasan na mamayang gabi o bukas mas dadagsa pa ang mga mananakay.

Pin It on Pinterest