News

Sen. Grace Poe pinuri ang pamahalaang panlalawigan sa programa nito para sa mga kabataan

Pinuri ni Hon. Grace Poe ang pagkakaroon ng Lalawigan ng Quezon ng programa para sa pangangalaga ng mga ina at mga bata sa unang isang libong araw ng buhay ng mga ito. Ayon kay Senator Poe, bihira ang ganitong uri ng programa na nagbibigay-pansin sa mga kabataan at sa kanilang kalusugan. Dagdag pa rito ay binigyang-pagkilala rin ng senador ang mga tao sa likod ng programa na patuloy sa pagpapa-igting sa sektor ng kalusugan sa lalawigan.

Sa pagsasalita ni Poe sa opisyal na paglulunsad ng programa ay sinabi nito na ang pagbibigay ng nutrisyon at pangangalaga sa mga kabataan ang magiging puhunan upang magtagumpay ang mga ito sa kani-kanilang mga buhay. Idinagdag pa ng senador na ang programang Q1K ay isa sa pinakamabisang paraan din sa pagpuksa ng kahirapan. Hinangaan din ni Poe ang mag-asawang Suarez na magkatuwang sa pagtataguyod ng programa para sa mga kabataan. Ang kombinasyon at inisyatibo anyang ito ay wala saan mang lugar sa Pilipinas.

Pin It on Pinterest