News

Sen. Imee Marcos dumalo, National Buntis Day Celebration sa Quezon

Sa Quezon Province ipinagdiwang ngayong toan ang National Buntis Day kung saan dumalo si Sen. Imee Marcos.

Sa harap ng higit tatlong daang buntis sinabi ng Senador na importanteng alam ng mga ito sa kanilang pagdadalang tao ang mga dapat gawin upang maprotektahan ang sarili at sanggol sa sinapupunan, mga bagay na nakapaloob sa aktibidad.

Sa panahon ngayon sabi ni Marcos dapat mamulat ang mga kababaihan sa responsableng pagbubuntis.

‘’Lumalaganap ang teenage pregnancy at child stunting sa ating bansa hindi hinggil sa kaalaman matapos ang COVID matindi talaga ang paglawak ng hanay ng mahihirap.”

Nagbahagi ang Senador ng mga hygiene kit sa mga buntis.

Pinangunahan nito ang ribbon cutting hudyat ng opisyal na pagbubukas ng pagdiriwang ng National Buntis Day sa Quezon. Dumalo rin sa pagdiriwang si Tayabas City Mayor Lovely Reynoso at Quezon Governod Doc. Helen Tan.

Sinabi ni Dra. Katleen Del Prado isang Maternal Fetal Specialist ang siyang National Buntis Day Coordinator ng taong ito.

Simula taong 2004 tuwing March 10 ipinagdiriwang ang Phil. Obgyne Society ang National Buntis Day layuning upang mabigyan ng tamang kaalaman sa pagbubuntis ng sa ganoon hindi sila maniwala sa mga haka-haka lamang upang maiwasan ang mga komplikasyon. Kalakip din ang mga libreng check-up at bitamina sa mga partisipante

‘’So for today ang activity naming mayroon kaming free natal, ultrasound, laboratories at mayroon kaming Ms. Buntis Day.”

Nagkaroon din ditong Information Dissemination patungkol sa mga nakasanayang gawin at hindi batay sa paniniwala na kinagisnan na patungkol sa pagbubuntis na posible raw na may epekto sa syang nilinaw nila at sinagot ang tungkol dito.

Pin It on Pinterest