News

Senator Win Gatchalian nanawagan para sa rekonsiderasyon ng malaking pagbawas ng budget ng ERC

Nanawagan si Senator Win Gatchalian na irekonsidera ng kamara ang ginawa nitong malaking pagbawas ng pondo ng Energy Regulatory Commission. Mula sa 365 million pesos na pondo para sa ahensya ay ibinaba ito ng isang libong piso lamang para sa buong 2018. Ayon kay Gatchalian, kailangan ang ERC ng sektor ng enerhiya dahil ito ang nagre-regula sa mga industry players ng enerhiya. Nangangamba rin si Gatchalian na magpapahatid ito ng hindi magandang senyales sa mga energy investors ng bansa at magdulot ng pag-aalinlangan sa mga ito.

Isa pang concern ni Sen. Gatchalian sa pagbabawas ng budget ng Energy Regulatory Commission ay madadamay na mawawala ang 14 million pesos na apropasyon para sa retirement at life insurance benefits ng kawani ng ahensya. Kaya ayon kay Gatchalian ay mapag-isipan sanang mabuti ng mga kapwa mambabatas sa House of Representatives ang kanilang ginawang pagbawas ng budget ng ERC.

Pin It on Pinterest