News

Senior citizen patay, pulis sugatan sa barilan sa Guinayangan, Quezon

Patay ang isang senior citizen habang isang pulis naman ang sugatan sa nangyaring barilan sa Brgy. Gapas sa bayan ng Guinayangan, Quezon.

Hindi naman kumpirmahin ng mga awtoridad kung ang dalawang biktima ang nagbarilan bagama’t sinasabi ng mga residente doon na matagal ng may alitan ang mga ito.

Patay matapos magtamo ng dalawang tama ng bala sa dibdib ang 66-anyos na si Edgardo Relado, residente ng nasabing barangay.

Sugatan naman ang pulis na si PSMS Randel Pulutan, 51, residente ng San Pablo City, Laguna at naka-aassign sa Regional Health Unit ng PRO-4A sa Camp Vicente Lim, Calamba City.

Ayon sa report ng Guinayangan Police, dakong alas 8:45 ng gabi, nag-iinom umano sa terrace ng isang bahay sa lugar ang pulis nang dumating si Relado.

Matapos ang ilang minuto may narinig na lamang ang mga residente na putukan ng mga baril.

Nang tingnan, nakitang nakabulagta ang wala ng buhay na si Relado at ang walang malay na si Pulutan na may tama ng bala sa hita.

Narekober sa insidente ang 2 kalibre .45 baril at 4 na basyo.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng Guinayangan PNP sa insidente.

Pin It on Pinterest