News

Serbisyo Caravan, inilunsad sa Brgy. Bucao, Polillo

Iba’t-ibang mga serbisyo ang naihatid kamakailan sa mga residente ng Barangay Bucao sa Polillo, Quezon na magkatuwang na itinaguyod ng lokal na pamahalaan at mga ahensiya ng national government.

Matagumpay na isinagawa ang Retooled Community Support Program (RCSP) Serbisyo Caravan at Ugnayan sa Barangay nitong Sabado sa covered court ng Brgy. Bucao.

Ayon sa LGU, isa ang naturang barangay sa binigyang prayoridad upang matulungan ang mga residente sa kanilang mga pangangailangan at mas mapataas ang antas ng kanilang pamumuhay.

Nagkaroon dito ng libreng check-up, libreng tuli at cervical assessment sa pangunguna ng Rural Health Unit. Namahagi din ng libreng bitamina at gamot, libreng bakuna kontra rabies para sa mga alagang aso at iba pang serbisyo mula naman sa Municipal Agriculture Office.

Nagkaloob dito ng libreng gupit ang hanay ng Philippine Army at ang Samahan ng KISLAP, libreng tsinelas naman para sa mga bata ang hatid ng DILG. Namigay din ang Lokal na Pamahalaan at MSWD ng bigas sa mga residente ng barangay Bucao.

Tinatayang nasa higit kumulang 200 residente ng Barangay Bucao ang nakinabang sa mga serbisyong ibinaba ng pamahalaan.

Pin It on Pinterest