Serbisyong Reynoso Caravan ng Lokal na Pamahalaan, inilapit sa isang barangay sa Tayabas City
Patuloy ang paglalapit ng Serbisyong Reynoso Caravan ng Pamahalaang Panlungsod ng Tayabas na kung saan tumulak ito sa Barangay Mayuwi bitbit ang libreng serbisyong pangkalusugan nitong Martes, September 19.
Sa pamumuno ng Office of the City Mayor-Mobile Health and Medical Emergency Response Team ay naghatid ng iba’t-ibang serbisyo ang lokal na pamahalaan ng Tayabas sa pamamagitan ng naturang Caravan upang mailapit at hindi na mahirapan ang mga naninirahan sa nasabing barangay para magpakonsulta, ultrasound, ECG, X-ray iba’t-ibang uri ng laboratory and diagnostic services.
Maging ang dental services ay kasali na rin sa Serbisyong Reynoso Caravan.
Ang caravan ay binubuo ng mga tanggapan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), Office of the City Agriculture, City Environment and Natural Resources Office (CENRO), City Civil Registry Office (CCRO), Office of the City Library at Office of the City Veterinarian.
Nagpaabot naman ng mensahe si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso sa pamamagitan ng kanyang kinatawan matapos na hindi ito makasama sa sa paghahatid ng serbisyo dahil sa mga naunang kompromiso.