Serbisyong Tama Caravan dumating sa Sta. Rosa City
Nagsagawa ang pamahalaang panlalawigan ng Laguna ng isang medical at dental mission sa Lungsod ng Sta. Rosa sa lalawigan. Ginanap ang libreng gamutan sa covered court ng Brgy. Macabling sa lungsod. Libreng konsulta sa iba’t ibang karamdaman ang ipinagkaloob ng mga nakatuwang napamahalaang panlalawigan at namahagi rin ng mga gamot na naaayon sa karamdaman ng mga naging kliyente sa okasyon. Bukod sa medical at dental mission ay nakapagpa-konsulta rin ang mga taga-Sta. Rosa tungkol sa kanilang mga mata at binigyan ng mga salaming naaayon sa grado ng kanilang mata ang mga ito.
Nagkaroon din ng pagsasagawa ng libreng gupit, pagmamasahe at iba pang ekstrang serbisyo para sa mamamayan. Namahagi rin ang pamahalaan ng mga pananim at mga buto ng namumungang puno para sa mga intresadong magtanim sa kanilang bakuran. May ibinigay na serbisyo rin ang pamahalaan para sa mga alagang hayop ng mga taga-Sta. Rosa.
Nagpasalamat naman ng Provincial Government ng Laguna sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, mga grupong tumulong at iba pa na nakatuwang nila sa medical at dental mission upang maisakatuparan ito.