Sinakulo ng Pagpapahirap kay Hesukristo at Pagpako sa Krus, Nasaksihan sa Tayabas City
Nasaksihan ng mga mananampalatayang Tayabasin ang pagsasabuhay ng paghihirap na pinagdaanan ni Hesukristo sa isang Senakulo na ginanap alas otso ng umaga noong Biyernes Santo sa labas ng Minor Basilica ni San Miguel Arkanghel, Tayabas Bandstand at sa palibot ng Poblacion ng Lungsod na ginampanan ng mga mahuhusay na aktor ng Susi ng Tayabas.
Ang pagsasadula ay upang ipakita sa publiko at alalahanin ang pagpapasakit at sakrisyo ni Hesukristo para tubusin ang kasalanan ng Sanlibutan.
Nasaksihan ng marami sa pamamagitan ng Sinakulo kung paano nilatigo ng mga kawal si Jesus.
Pagpapasuot ng balabal, pagpapatong ng koronang tinik sa ulo nito at pinagtawanan at tinatawag na nilang hari ng mga hudyo.
Ipinakita rin ang pagpapasan ni Hesukristo ng krus, ang pagpako sa mga kamay at paa nito sa krus at itinayo. Kasabay ng pagpapako rin ng dalawa pang lalaking magnanakaw.
Napanood din ang pagtayo ni Maria, na ina ni Jesus, sa paanan ng krus.
Ilan lang yan sa laman ng Sinakulo o pagsasadula ng mga aktor ng Susi ng Tayabas Tuwing Semana Santo na taon-taon isinasagawa sa Tayabas City.
Ang Senakulo (Ingles: Passion Play) ay isang dula patungkol sa buhay, pagpapasakit, kamatayan at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo isa ito sa mga tradisyon ng Semana Santa sa ilang grupong Cristiano, partikular na sa mga Katoliko.
Bagmat dagsa na ngayon ang mga bakasyunistang tatawid ng dagat patangong Marinduque at Romblon inaasan na mamayang gabi o bukas mas dadagsa pa ang mga mananakay.