Site validation sa Tayabas City para sa posibleng pagtatayo ng Farm-to-market road project, isinagawa
Nakipag pulong ang PRDP o Philippine Rural Development Project 4A sa lokal na pamahalaan ng Tayabas City.
Ito ay upang talakayin ang posibleng paglalagay ng farm-to-market road project sa Lungsod ng Tayabas.
Ayon sa DA ang mga kalsadang ito ang mag kokonekta sa mga sakahan o pangisdaan sa mercado.
Sa pamamagitan nito ay mapapabilis at maayos ang pagpapadala ng mga agricultural na produkto sa mga trader at consumer.
Samantala sa isinagawang pakikipag pulong ng PRDP nagkaroon ng orientation hinggil sa proseso ng DA-PRDP sa pagpopondo at pagpapatupad ng mga subprojects.
Nagsagawa rin ng site validation ang PRDP 4A kasama ang LGU Tayabas upang masuri ang lokasyon kung saan posibleng itayo ang farm-to-market road project.