Solid Waste Management Facilities sa Guinayangan, Quezon binisita ng DENR
Kamakailan ay bumisita ang kawani ng Department of Environment and Natural Resources o DENR Environmental Management Bureau Gng. Roane Jane R. Dublois – Environmental Monitoring Officer sa Bayan ng Guinayangan, Quezon.
Ito ay para sa Regular Monitoring at Inspection ng Municipal Sanitary Landfill sa nasabing bayan.
Kapansin-pansin dito ang pangangalaga ng mga Guinayanganin sa kalikasan kung saan bahagi nito ang maayos na Solid Waste Management.
Bilang bahagi din ng pangangalaga sa kalikasan ng nasabing bayan ay patuloy na isinasagawa ang pagtatanim ng mga ikakasal sa Magsing-Irog Eco Park.
Ang proyektong ito ay tinatawag na “Magsing-irog Eco Park” kung saan ang mga ikakasal ay kailangang magtanim ng Narra Tree bago ang kanilang pag-iisang dibdib.
Layunin ng nasabing proyekto na maging isang tourist attraction ang lugar kalaunan at higit sa lahat ay makatulong sa kalikasan.