News

Solid Waste Management Nakikitang Problema ni Ayan Alcala

“Hindi lang ito para sa inyo, para sa kanila, para ho sa ating lahat.”

Ito ang pahayag ni Ryan ‘Ayan’ Alcala, Environment protection advocate sa panayam ng Bandilyo.ph sa programang Usapang Tapat ni Manong Nick.

Kaugnay ito ng pag iingat sa kalikasan partikular ang pagsasaayos ng mga basura o solid waste management. Kailangan daw na mamulat ang mga mamamayan sa kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan dahil hindi lang iilang indibidwal ang makikinabang dito kundi lahat ng tao.

Binigyang diin ni Ayan Alcala na ang nakikita niyang problema ay ang hindi pagsunod ng ilan sa halimbawa’y proyekto o programa ng barangay tungkol sa solid waste management.

“Kapag nag pilot sila ng isang programa pag dating sa environment, kapag hindi po sumusunod ‘yung mga tao, hindi na sila ganon ka-willing na sumunod sa pamahalaang pambaranggay,” sinabi ng Konsehal.

Isa pang punto ng Environmental protection advocate ay ang pagkakaroon ng maaaring pagkakitaan sa basura.

Pin It on Pinterest