News

STK sa Laguna nanumpa, partisipasyon ng kababaihan siniguro

Naging matagumpay ang paglulunsad ng STK o Serbisyong Tama Kababaihan sa Lalawigan ng Laguna. Isinagawa sa Bayan ng Sta. Cruz ang kauna-unahang Provincial Assembly at Oath taking ng mga opisyal ng organisasyon sa Laguna Sports Complex. Ang programang ito ng Pamahalaang Panlalawigan ay upang mapag-isa ang iba’t ibang samahang pangkakabaihan sa lalawigan. Ayon sa pahayag ng Provincial Government of Laguna, magsisilbing pundasyon anila ito ng sa mas aktibong tungkulin ng mga kababaihan sa Laguna upang mas makatulong sa pagpapaunlad ng lalawigan.

Naging panauhin sa pagtitipon ang iba’t ibang personalidad sa Lalawigan ng Laguna, may-bahay ni Laguna Governor Ramil Hernandez na si Bokal Ruth Hernandez na siya ring honorary chairperson. Dumalo rin ang bise gobernador ng Laguna, Vice Governor Karen Agapay, Atty. Dulce Rebanal, Nash Hernandez, Imelda Papin, Jason Fernandez ng bandang Rivermaya at ang panauhing pandangal na si Senator Cynthia Villar na nagbahagi ng magagandang aral para sa mga kababaihang nagsidalo.

Pin It on Pinterest