Sublian Festival sa bayan ng Bauan, Lalawigan ng Batangas isinagawa
Matagumpay na nai-selebra ng mamamayan ng bayan ng Bauan sa Lalawigan ng Batangas ang kanilang Sublian Festival, Mayo 2, araw ng Martes ngayon taon. Ang Sublian Festival ay naka-angkla sa debosyon ng mga Batangueño sa patron nito: ang Holy Cross sa bayan ng Bauan, Agoncillo at ang Sto. Niño naman sa Batangas City. Ang debosyon ng mga taga Batangas ay ipinakikita sa pamamagitan ng sayaw na likas na angkin ng Batangueño na tinatawag na Subli. Karaniwang sinasabayan ng tugtugin ang mga sayaw at papuri sa kanilang patron. Bukod sa pag-sayaw ay tampok din sa Sublian Festival ang mga tula at tugtuging nagbibigay pugay sa patron ng dalawang bayan at isang lungsod.
Ang Sublian Festival ngayong taon ay kinabibilangan na rin ng iba pang aktibidad katulad ng Harana, at Lupakan, Awitan at Sayawan na nakasentro sa pagkaing nilupak na gawa sa saging at patatas.
Ang Sublian Festival rin ay kabilang na sa mga ibinibidang okasyon o event ng Department of Tourism.