News

Substitution, para lang sa mga Kandidatong may Partido

Ibinahagi ni Atty. Rey Oliver Alejandrino sa programang Batas Con Radyo ng Bandilyo.ph na ang maaari lamang pumalit sa isang kandidato ay ang kanyang kapartido lamang. Ayon kay Atty. Alejandrino, maaari lang maganap ang isang substitution kung sakaling maging permanently disabled, mamatay o mag withdraw ang isang ang kandidato.

“Ang sabi ng batas, ng Election Code, pwedeng magkaroon ng substitution kapag una, namatay ang ang kandidato, kapag nagkasakit, permanently disabled. Incapacitated na, hindi na pwede at nag-withdraw for whatever reason,” paglalahad ng batikang abogado.

Dagdag pa ni Alejandrino na hindi maaaring palitan ang kandidato kapag lumagpas na ito sa araw ng substitution. Sinabi rin nito na ang substitution ay hindi naaangkop para sa mga independyenteng kandidato. Sino daw ang papalit sa mga ito kung wala nga silang partido.

“Kaya walang substition ang independent sapagkat wala silang partido,” ayon pa sa kanya.

Sinabi rin naman ni Atty. Alejandrino na maaaring maganap ang substitution sa isang independyenteng kandidato kung sakaling ito ay pumanaw o maging permantly disabled. Ang maaari lamang pumalit dito ay ang kamag-anak na may kaprehong apelyido.

Pin It on Pinterest