News

Super Health Center, binuksan sa Dolores, Quezon

Pormal nang binuksan sa publiko ang Dolores Super Health Center na nagkakahalagang mahigit P6.5 milyon sa isinagawang blessing at ribbon-cutting ceremony nitong Miyerkules.

Pinangunahan ito ni Department of Health Calabarzon Regional Director Ariel I. Valencia na layong tugunan ang pangangailangang medikal at pangkalusugan ng mga residente.

Pinondohan ang pasilidad sa pamamagitan ng Health Facility Infrastructure Project ng DOH.

Sa ilalim din ng proyekto, nagkaloob ang ahensiya ng mga kagamitan para sa Super Health Center na nagkakahalaga ng P5 milyon at maglalaan din ang DOH ng isang radiologic technician para sa pasilidad.

Kabilang sa mga ibibigay nitong serbisyong pangkalusugan ang konsultasyon, clinical laboratory, x-ray, at botika.

Samantala, kasabay ng pagbubukas ng Super Health Center ay pinangunahan din ng DOH Calabarzon ang groundbreaking ceremony para sa pagtatayo ng Dolores Birthing Home.

Ang pasilidad na mayroong 4-bed capacity at kabuuang pondo na P5 milyon ay inaasahang matatapos sa loob ng 180 araw.

Pin It on Pinterest