Super Health Center, itatayo sa Lopez, Quezon
Sinisimulan nang itayo ang Super Health Center sa bayan ng Lopez, Quezon na proyekto sa ilalim ng universal health care law.
Ayon sa pamahalang panlalawigan ng Quezon, isa itong primary care center na magbibigay ng serbisyong medikal sa mga nangangailangan upang hindi na kinakailangan pa na magsadya sa malalaking hospital.
Layon umano nito na mailapit ang serbisyo sa mga liblib at malalayong lugar sa lalawigan.
Pinangunahan ni Quezon Governor Doktora Helen Tan, kasama si Congressman Atorni Mike Tan, lokal na pamahalaan ng Lopez at iba pang ahensya ang groundbreaking ceremony ng pasilidad nitong Huwebes sa Barangay Magsaysay.
Kayang makapag-provide ng super health center ng mga pangunahing health services tulad ng outpatient department, laboratory, X-ray, ultrasound, birthing services, diagnostic, pharmacy at emergency services.
Isa ang Lopez sa pinakamamalaking bayan sa Quezon na binubuo ng 95 barangays.