News

Supplemental feeding activities sa mga mag-aaral, handog ng 2nd Cavalry Battalion sa kanilang ika-40 anibersaryo

Isang feeding program sa mga mag-aaral ng Tayabas East Elementary School sa Tayabas City ang handog ng 2nd Cavalry (Masigasig) Battalion Armor (Pambato) Division ng Philippine Army para sa pagdiriwang ng kanilang ika-40 anibersaryo.

Kulang 400 mga undernourish children ng naturang paaralan ang hinandugan ng mga masustansyang pagakain mula sa kasundaluhan.

Ang simpleng handog na ito ng 2nd Cavalry (Masigasig) Battalion Armor ay kasiyahan ang dala sa mga batang estudyante.

Sinabi ni Lieutenant Colonel Richard De Castro, ang Commanding Officer ng 2nd Cavalry Battalion, taon-taon silang nagsasagawa ng mga outreach program na layong mapalapit sa komunidad ang mga kasundaluhan.

Ang naturang aktibidad ay planong isigawa muli ng naturang unit ng Philippine Army sa mga susunod na panahon.

Ang 2nd Cavalry Battalion ay kapartner ng iba’t ibang eskwelahan sa lalawigan ng Quezon sa iba’t ibang aktibidad. Bago magbukas ang klase nitong taon, naging katuwang sila sa Brigada Eskwela.

Nagsasagawa rin sila ng mga medical mession sa mga komunidad.

Nagkakaroon din sila ng mga gift giving sa mga nakakatandang sektor at may mga kapansanan.

Ngayong papalapit ang kapaskuhan, magkakaroon daw sila ng pamaskong handog sa mga piling benepisyaryo.

Hindi lang daw sila maasahan sa pagpapanatili ng kapayapaan, sabi ni LtCol. De Castro ang kasundaluhan ay kaagapay ng mamamayan sa lahat ng bagay at panahon.

Pin It on Pinterest