News

Suspendidong RA 10913 dapat pag-aralang mabuti

Sa pagpapatupad ng RA 10913 o ang Anti Distracted Driving Act ay nagtatanong ang mga jeepney drivers kung hindi ba sila mamumultahan kung ang mga pasahero ay nakasuot ng headphones habang nakasakay sa kanilang mga jeepney. Ito ang tanong ni Ka Tonton Chavez, transport leader sa Lungsod ng Lucena. Ayon kay Chavez kadalasang naoobserbahan ng kanyang mga kapwa driver ng jeep na may mga headphones ang mga pasahero at nakikinit ng music o kaya naman ay may kausap. Kapag anya nagtatanong ang mga driver kung saan bababa o kaya naman ay ilang tao ang ibabayad sa halimbawa’y 50 peso bill na ibinayad ay hindi sila naririnig. Napipilitan tuloy ang driver ayon pa kay Chavez na magtanong ng paulit ulit at tumingin sa likurang bahagi ng sasakyan na maaaring makapaglagay sa alanganin ang kaligtasan ng mga pasahero.

Hindi anya problema ito kung kagaya ng ilang ruta o biyahe ng mga jeepney na sa terminal pa lamang ay nakapagbayad na ang mga pasahero. Kalimitan anya ay umiikot sa kani-kanilang ruta ang mga jeep at isinasakay ang mga pumapara sa tabing kalsada.

Ipinagaalala ni Chavez na baka samantalahin ito ng ilang awtoridad kung makikitang nag-aabot ng sukli ang mga driver o di kaya naman ay nagtatanong sa pasahero kung saan ang kanilang destinasyon ay huhulihin ang mga ito at pagmumultahin ng limang libong piso na nakasaan sa RA 10913.

Pin It on Pinterest