Tahong sa Lucena, ligtas sa red tide
Ligtas daw kainin sa Lucena City Public Market ang mga shellfish na pumapasok sa naturang pamilihan ayon sa tinderang si Zenaida.
“Opo naman po kada biyahe namin meron po kaming permit, safe na safe po yung tahong dito”. Pahayag ni Zenaida
Ang tindero namang si Marlon, sinabing wala raw red tide ang kanyang paninda upang mapawi ang pangamba ng publiko kaugnay sa red tide.
“Wala, walang red tide maganda dito ang tahong mataba, mapula. Safe na safe ang tahong sa Lucena”. Ani Marlon
Ilang lugar kasi sa bansa ang nagpositibo sa red tide.
Sa ngayon ay nasa P100 hanggang P120 ang presyo ng kada kilo ng tahong sa naturang palengke.
Pinayuhan naman ng ilang maninidahan ng shellfish ang publiko na agad lutuin ang tahong dahil hindi tumatagal ang buhay nito.
Kadalasang tumatagal lang umano ang buhay ng tahong ng dalawa hanggang tatlong araw.
Kapag bumuka na ito ay nangangahulugang patay na raw ang tahong.