News

Tamang Sewage Treatment at Septage Management System, pinagusapan sa Lungsod ng Tayabas

Nagkaroon ng pampublikong pagdinig hinggil sa Panukalang Ordinansa na nagtatatag ng tamang Sewage Treatment at Septage Management System sa Lungsod ng Tayabas.

Tinalakay sa pagdinig ang pagtatakda ng mga alitnuntunin at pamamahala sa mga duming nililikha sa mga tahanan at establisyemento partikular ang paglalagay ng septic tank.

Pinamunuan ni Konsehal Carmelo Cabarrubias ang pagdinig kasama sina Konsehal Dino Romero, Felimon Villanueva, Jr. at Vice Mayor Rosauro Dalida sa ABC Hall.

Dumalo sa pagdinig ang mga Punong Barangay, Barangay Kagawad, kinatawan ng mga barangay at iba’t-ibang samahan, kinatawan ng DENR at PrimeWater QMWD, kinatawan ng mga pribadong establisyemento at mga kawani ng lokal at nasyonal na tanggapan.

Sa pagtatapos ng pulong ay nagpanukala si Konsehal Dino Romero at sinupurtahan ang hangarin ni Vice Mayor Oro Dalida na pag-aralan ang posibildad nang pagtatayo ng communal septic tank sa mga komunidad na hamon ang pagtatayo ng sari-sariling septic tank.

Isa ito anya sa epektibong solusyon para maipatupad ang hangarin ng batas, bukod pa sa patuloy na pag-aaral sa mga panukalang probisyon ng ordinansa para bigyan pa ng mas matibay na kapangyarihan ang pagpapatupad nito.

Pin It on Pinterest