Tapahan sa Barangay Marketview sa Lucena City, Highly Competitive Pagdating sa Kalidad ng mga Tinapa
Highly competitive ang mga tapahan sa Brgy. Marketview pagdating sa kalidad ng mga tinapa.
Ito ang pahayag ng kapitan ng Brgy. Marketview, Lucena City, Kap. Edwin Napule sa programang ‘Usapang Tapat ni Manong Nick’.
“In terms of quality po, sila ay highly competitive po, ang bawat miyembro po, ang bawat owner po natin,” pahayag ni Kap. Napule.
Ayon pa kay Kap. Napule na madalas din siyang nagpapaalala sa mga tinapa owner na sa pagtaas ng kalidad ng produkto ay sa pagtaas din ng presyo at pagdami ng benta.
“Lagi ko nga pong sinasabi sa kanila na sa pagtaas ng antas ng kalidad ng inyong tinitindang produkto ay pagtaas din ng presyo at pagdami ng benta ninyo dahil ‘pag nakita kayo na maayos ang paninda n’yo ay sa inyo lahat bibili yan,” ayon kay Kap. Napule.
Aniya, malaki ang potensyal ng tapahan sa Brgy. Marketview dahil sa mabilis nitong pagbangon mula sa mga trahedyang naranasan. Matatandaan noong February 2019, nasunog ang tapahan sa Brgy. Marketview kung saan maramin ding ari-arian ang natupok ng apoy. Sinundan pa ng pagbaha sa nasabing barangay dulot ng malakas na pag-ulan at nandyan din ang hamon na dala ng pandemya.