News

Tayabas City nakiisa sa Southern Tagalog Kulinarya Caravan

Nakibahagi ang Lungsod ng Tayabas sa inilunsad na Southern Tagalog Kulinarya Caravan na parte naman ng Island Philippine Fun Caravan ngayong 2017. Sa pangunguna ito ng Department of Tourism Region 4A katuwang ang Philippine Tour Operators Association (PHILTOA) upang ipakita ang angking ganda ng mga bayang, lungsod at probinsya sa buong bansa. Sa Tayabas City ay ipinakita ng mga opisyal nito ang mga heritage sites na maaaring mapuntahan ng mga turista upang maibahagi sa mga ito ang cultura ng lungsod at lalawigan ng Quezon. Bumisita rin ang mga ito sa lugar kung saan ginagawa ang sikat na Yema Cake. Nag tour din ang mga mga bumisita sa lungsod sa Malagonlong bridge, Casa Comunidad de Tayabas at Basilica Minor de San Miguel Arkanghel na pawang panahon pa ng kastila itinayo.

Ang Islaand Philippine Fun Caravan ng Department of Tourism katuwang ang PHILTOA ay isinasagawa upang magkaroon ng mas malalim na kaalaman ang mga touring companies at mga posibleng lokal o internasyunal na turista sa mga lugar na kanilang nais puntahan. Sa pamamagitan nito ay umaasa ang mga LGU at ang Tourism Department na makakapagbigay ng mas magandang experience ang mga host communities at tour companies sa kanilang mga kliyente.

Pin It on Pinterest