News

Tayabas Police, naghatid ng mga munting regalo ngayong Pasko sa mga bata

Kasabay ng maigting na pagbabantay upang matiyak ang seguridad at katahimikan sa Lungsod ng Tayabas ngayong holiday season, ligaya ang dala sa mga bata nitong nagdaang Pasko ng Tayabas PNP.

Namahagi ang kapulisan ng mga regalo, candy at iba pa sa mga bata sa iba’t ibang lugar gaya ng mga paaralan at simbahan.

Ayon kay PLT.COL. Bonna Obmerga, hepe ng Tayabas PNP, siya mismo at mga kasamahang pulis ang nagpangiti sa mga batang nabigyan. Simple man at munti ang regalo, galing naman daw ito sa kanilang puso.

“Nagbibigay kami ng simpleng laruan tsaka candy, kahit ganoon kasimple ang laruan pero mula sa aming puso,” sabi ni PLT.COL. Bonna Obmerga, hepe ng Tayabas PNP.

Layunin nito na hindi lamang mabigyan ng kasiyahan ang bata sa mga komunidad ngayong Pasko, pakay din nito na mailapit ang serbisyo ng kapulisan sa komunidad at higit upang maging mapalagay ang loob ng mga bata sa mga tagapagpatupad ng batas, na sa Tayabas basta’t may pulis, sila ay ligtas.

“Ang ating ginagawa para mapanatili ang komunikasyon, mapalapit ang kalooban ng ating mamayan sa ating kapulisan,” ani Obmerga.

Samantala ngayong Yuletide season, nakaalerto ang buong Tayabas PNP sa seguridad ng kanilang lungsod.

Ayon kay LtCol. Obmerga, nagpakalat na sila ng mga police personnel sa mga place of convergence gaya ng simbahan, palengke, terminal at iba pang matataong lugar. Patuloy raw ang kanilang pagbabandilyo sa iba’t ibang barangay upang maiwasan ang ano mang krimen.

Pin It on Pinterest