News

TFRO, nagpaliwanag tungkol sa sinasabing 16 na araw na pamamasada ng mga tricycle driver

“Odd-even tricycle volume reduction scheme alinsunod sa Ordinance no. 2631 dahil meron tayong tinatawag na odd-even scheme ang orihinal ho kasing ordinansa regarding dyan ay yun pong ang kahalahati ng ating mga magta-tricycle gaya po ng tinatawag nating may kulay na dilaw at berde.”

Ito ang naging sagot ni Lucena City Tricycle Franchising and Regulatory Office o TFRO Chief Noriel Obcemea tungkol sa sinasabi ng ilang netizen sa Programang Tambayan sa Bandilyo.ph at 89.3 Max Radio FM na problema umano ngayon ng mga tricycle driver na wala halos silang kitain sa pamamasada dahil 16 na araw na lang ang kanilang paghahanapbuhay sa loob ng isang buwan.

Kaugnay nito, ipinaliwanag ni Obcemea kung ano ba ang ipinatutupad na ordinansa sa naturang lungsod.

“Ayon po sa ordinansa sa umaga yung isang kulay at sa hapon yung isang kulay kaya yun po ay pagsapit ng araw ng Linggo.”

Pero dahil daw sa kahilingan mga tricycle driver na gawing makalwahan ang pamamasada ng mga ito ay agad niyang tinugunan.

“Kaya ho pagdating po ng oras sa araw ng iyon ay kung araw ng berde ay berde po at kinabukasan dilaw naman maghapon po yun wala tayong oras.” ayon kay Obcemea

Pin It on Pinterest