News

Top 2 sa October 2022 Forester Licensure Examination, tumanggap ng pagkilala at financial reward mula sa LGU

Personal na tinanggap ngayong araw ni Ren Antoinette Leovido ang resolution of commendation sa isinagawang regular na session ng Sangguniang Panlungsod ng Lucena.

“Resolution No. 19-195 a resolution commending Ms. Ren S. Leovido of Mayao Crossing, Lucena City on her outstanding achievement as Top 2 in the recent October 2022 Forester Licensure Examination, where as the Professional Licensure Examination, where as Lucena recognizes the great pride and honor enjoy on the achievement of Ms. Ren Antoinette S. Leovido, a graduate of University of the Philippines Los Baños Laguna as Top 2 out of 2,034 examinees in recent October 2022 Forester Licensure Examination”.

Si Leovido ay residente ng Brgy. Mayao Crossing sa lungsod na ito, 22-anyos at nakamit niya ang ikalawang pwesto sa naturang eksaminasyon sa average score na 92.25%.

Nagpaabot rin ang SK Federation ng Lucena sa pamamagitan ni SK Federation Pres. Rolden Garcia ng financial reward para kay Leovido.

Matatandaang iminungkahi ni Councilor Nicanor ‘Manong Nick’ Pedro Jr. sa deliberasyon nitong nakaraang pagpupulong ng Sangguniang Panlungsod na kilalanin sa bisa ng isang resolusyon ang pagpapahalaga sa karangalang dala ni Leovido sa lungsod matapos maging top 2 sa October 2022 Forester Licensure Examination.

Pin It on Pinterest