News

Traditional jeepneys, huwag i-phase out ayon sa ilang tsuper

Nananawagan ngayon ang ilang tsuper ng jeepney na huwag i-phase out ang traditional jeepneys sa bansa dahil ito lang ang kanilang hanapbuhay lalo na’t dito lamang sila umaasa sa kita sa pamamasada.

“Ang sakin dapat ay hindi ay marami hong mawawalan kaming trabaho bagay i-phase out ang jeep”, sabi ni Gilbert.

“Dapat talagang hindi i-phase out, maraming mawawalan na hanapbuhay”, ayon kay Ruel.

“Aba’y dapat ay hindi para ang trabaho ng mga jeepney driver ay palatuloy pa rin, aba’y kinagisnan na namin ito eh”, pahayag ni Jojo.

Ito’y kahit na pinalawig pa ng Land Transportation and Franchising and Regulatory Board o LTRFB ang deadline ng jeepney modernization sa bansa.

Sa halip na June 30, ginawa ito ito ng LTFRB ng hanggang December 31, 2023.

Ginawa ng LTFRB ang desisyon matapos ihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi urgent ang modernisasyon sa jeepney.

Ayon kay LTFRB chairman Teofilo Guadiz, maglalabas ng memorandum circular ang kanilang hanay para mapalawig ang naturang deadline.

Sinabi naman ng tsuper na si Jojo, pwede naman daw pagandahin ang traditional jeepney pero huwag sa paraang maraming maaapektuhan.

“Pwede namang pagandahin pero huwag naman sa ganung paraan”, sabi ni Jojo.

Una nang nagbanta ng isang linggong tigil pasada ang grupong Manibela kapag itinuloy ng pamahalaan ang pag-phaseout sa traditional jeepney.

Tinatayang nasa 100,000 na public utility vehicle ang inaasahang makikiisa sa tigil pasada na ikakasa sa Marso 6 hanggang 12.

Pin It on Pinterest