Training para sa mga kabataan isinagawa sa Lalawigan ng Laguna
Katuwang ang Laguna Disaster Risk Reduction Management Office at Youth Development Office ng lalawigan ay nagsagawa ng training para sa pagresponde sa oras ng kalamidad. Tinawag na Community Youth Disaster Volunteer Training, isinagawa ito sa Barangay Pansol sa Lungsod ng Calamba. Dinaluhan ito ng mga kabataang lagunense na nais magboluntaryong tumulong sa panahon ng kalamidad. Layunin din ng programa na bigyan ng libreng kaalaman at pagsasanay ang mga kabataang may hangarin makatulong sa kapwa. Patuloy ang mga pagsasanay na isinasagawa sa lahat ng bayan at lungsod ng lalawigan dahil ang hakbang at kaalaman na ito ayon sa mga ahensyang involve ay susi upang mapagtagumpayan ang hamon ng kalamidad.
Sa pagsasalita ni Laguna Governor Ramil Hernandez ay sinabi nitong pagsumikapan ng mga kabataang nagsidalo na matuto sa pagsasanay. Isa anya itong magandang katangian dahil ang mga kabataang ito anya ang mga susunod na lider ng Lalawigan ng Laguna.