News

Tulong na naipamahagi ng DSWD Field Office IV-A umabot na sa Php 17.08 milyon

Umabot na sa Php 17.08 M halaga ng tulong ang naipamahagi ng DSWD Field Office IV-A sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Paeng.

PhP 15.21 M sa halagang ito ay mga family food packs, kasama rin dito ang PhP 684,823.50 na halaga ng hygiene at sleeping kits.

Habang PhP 1.19 M na cash assistance naman para sa mga stranded na pasahero, mga pamilya ng nasawi dahil sa bagyo at mga pamilyang lumikas sa kanilang tahanan.

Base sa datos ng DSWD pumapangalawa ang lalawigan ng Quezon sa naitalang pinakamaraming bilang ng mga apektadong pamilya at mga bukas na evacuation centers.

Patuloy naman ang monitoring ng DSWD para sa pagbibigay ng suporta sa mga lokal na pamahalaan sa 156,120 na mga apektadong pamilya ng bagyong Paeng lalo na sa 23,119 na mga pamilyang kasalukuyang tumutuloy sa 944 evacuation centers.

Unti-unti namang bumabalik ang ilan sa mga pamilyang lumikas sa kani-kanilang tahanan, tuluy-tuloy pa rin ang pakikipag-ugnayan ng DSWD sa lahat ng apektadong lokal na pamahalaan para sa pagbibigay ng kinakailangang tulong.

Pin It on Pinterest