News

Tulong ng DTI hindi lamang sa mga seminars at training –DTI Division Chief Pablito Budoy

Hindi lamang seminar at pagte-train sa mga negosyanteng mapaunlad ang kanilang mga negosyo ang serbisyong ginagawa ng Department of Trade and Industry para sa mga kalalawigan sa Quezon. Sa eksklusibong panayam ng 99.7FM at Bandilyo TV kay DTI Division Chief Pablito Budoy ay sinabi nitong mayroon silang programa para sa mga may kasalukuyang pinatatakbong hanap-buhay. Kung mangangailangan anila ito ng karagdagang puhunan at maging kwalipikado sa programa ng ahensya ay maaari silang pahiramin o pautangin. Pero hindi anya katulad ng ibang institusyon, ang kolateral sa pag-utang ay hindi lupa o anumang property kundi ang mismong imbentaryo ng negosyo na gustong paunlarin.

Idinagdag pa ni Budoy na ang role na ginagampanan ng Department of Trade ang Industry ay matulungang mapalaki o mapa-unlad ng isang negosyante ang kanilang mga hanap buhay. Ang magiging kapalit daw kasi nito ay ang mas malaking buwis na maaaring makolekta ng pamahalaan kung ang isang negosyo ay mas magiging matagumpay

Muling binanggit din ng DTI Division Chief na kung mayroong katanungan ukol sa mga seminarts o assisstance na nais makuha ng isang negosyante ay maaaring magtungo sa alinmang opisina ng ahensya upang masagot ang kanilang mga katanungan.

Pin It on Pinterest