Tulong-tulong turismo ng Quezon
Nagsagawa ang Department of Tourism Region 4A at National Economic Development Authority katuwang ang pamahalaang panlalawigan ng Quezon ng isang pagsasanay upang mas mapabuti ang serbisyo at mas maparami ang maakit ng turista sa Lalawigan ng Quezon. Ayon kay Alberto Bay ang Provincial Tourism Officer, layunin ng workshop na bumuo ng pormula para sa isang tourism circuit na kinabibilangan ng mga bayan ng Lucban, Pagbilao, Mauban, Sampaloc at Sariaya kabilang ang mga Lungsod ng Lucena at Tayabas. Sa workshop ay tinalakay ang mga usapin tungkol sa paghikayat at pagkilala sa mga posibleng panggalingan ng mga turista, pagtingin sa mga kakulangan sa industriya ng turismo sa lugar at paghahanap ng solusyon nito. Istratehiyang may kinalaman sa turismo at mga kaukulang aksyon upang mapangalagaan ang patuloy na pagdagsa ng mga turista sa lalawigan. Binanggit pa ng Provincial Tourism Officer na ang maglalagay ng mga kaukulang signages sa mga daanan patungong tourist spots habang ang NEDA Regional Office naman ang magbibigay ng technical assistance para sa patuloy na pagpapabuti ng mga produktong galing sa lalawigan ng Quezon. KARLO PEDRO