Unang Regional Licensing Summit para sa Primary Care Facility, inilunsad ng DOH-4A
Nag-organisa ang DOH-Center for Health Development CALABARZON sa pamamagitan ng Regulations, Licensing, and Enforcement Division (RLED) ng Regional Licensing Summit, na may temang: “Paving the Road to Primary Care”.
Tinalakay dito ang mga usaping pangkalusugan partikular ang mga suliraning sa pagpapatayo at pagsasaayos ng mga Primary Care Facilities.
Nagtipon-tipon sa summit ang halos lahat ng Local Chief Executives (LCEs) kasama ang kanilang mga Municipal Health Officers (MHOs) sa buong rehiyon na ginanap sa Manila Hotel sa Lungsod ng Maynila.
Kabilang ang mga punong bayan at lungsod sa Quezon Province na lumagda sa Commitment Signing para sa pagapapatayo ng Primary Care Facilities (PCF).
Ang Regional Licensing Summit ay isinagawa para tipunin ang mga mga pangunahing key stakeholder, at mga regulatory authorities sa Calabarzon upang talakayin at tuklasin ang mga hamon sa mga pamamaraan ng paglilisensya at regulasyon, at upang i-streamline at pahusayin ang licensing landscape sa rehiyon.
Mga matataas na opisyal ng kagawaran ng kalusugan ang kabilang sa mga panauhin kagaya nina DOH Secretary Teodoro Herbosa, mga Undersecretaries at DOH Calabarzon Regional Director Dr. Ariel I. Valencia.