Unity Walk and Peace Covenant Signing para sa BSKE 2023 isinagawa sa isang barangay sa Pagbilao, Quezon
Nagsagawa ng isang unity walk at peace convenant signing ang mga mga kandidato sa Barangay Ibabang Polo sa bayan ng Pagbilao, Quezon para sa isang mapayapang eleksyon ngayong darating na Oktubre 30, 2023.
Umaga ng October 3, 2023, lumagda ang mga kandidato sa naturang lugar sa isang kasunduan sa pagitan ng PNP, AFP , alkalde ng bayan at ng Commission on Election na sila bilang naghahangad ng posisyon sa kanilang barangay ay taos-puso at bukal sa damdamin na susunod at tatalima sa mga patakaran at alituntunin na pinaiiral ng Komisyon ng Halalan na nakasaad sa saligang batas na hindi gagamit ng dahas, lakas at pera na makakasira sa imahe ng sinumang papalarin na magtagumpay sa darating na halalan.
Bago ang paglagda sa naturang pledge of commitment, sama-samang naglakad ang mga kandidato. Ang venue ng peace covenant signing, dinagsa ng mga supporters. Nasaksihan nila ang panunumpa at pagpirma ng lumabalan sa kanilang barangay sa pagtataguyod ng mapayapang eleksyon. Mahigpit ang mga awtoridad sa pagpapasok upang maiwasan ang ano mang aberya.
Dumalo sa aktibidad si Pagbilao Mayor Gigi Portes. Ang mga kandidato ng naturang barangay sa Pagbilao, Quezon ay hindi nakadalo sa naunang Unity Walk and Peace Covenant Signing dahilan para magsagawa dito ng kahalintulad na aktibidad.
Sa naturang barangay, 4 ang kandidatong punong-barangay, 18 para sa barangay kagawad,2 para sa SK chairperson at 13 naman para sa SK kagawad.
Higit anim na libong rehistradong botante mayroon sa naturang komunidad. Ipinagtataka ng kasalukuyang punong-barangay ang mabilis na pagdami ng mga registered voters sa kanilang lugar. Aapat na libo lamang umano ito noong nakaraang halaan. Paano raw kaagad na anim na libo, ganoong wala naman raw halos na mga bagong residente sa kanilang barangay.