News

Upang Masukat ang Jiu-Jitsu Skill ng kanilang mga Player 1ST In-house Tournament ng Kalilayan Jiu-Jitsu, isinagawa

Upang sukatin ang Brazilian Jiu-Jitsu Skills ng mga miyembro Kalilayan Jiu-Jitsu isang torneyo sa loob ng kanilang Gym ang isinagawa.

Dito ipinakita ng mga mga miyembro ng Kalilayan Jiu-jitsu ang kanilang mga skills kontra sa kapwa manlalaro ng kanilang Gym para sa kanilang 1ST In-house Tournament.

Bagamat nasa iisang team sila, sabi ni Coach Nadine Potes at Coach RJ Salamillas layon ng kompetisyon na masukat ang kakayahan ng kanilang mga manlalaro sa halos anim na buwan nilang pagsasanay, kung hanggang saan na ba ang narating ng kanilang Jiu- Jitsu skills.

‘’Para ma-gage namin kung ano yung narating ng skills nila”, sabi ni Caoch Nadine.

Paraan din daw ito upang makita kung ano ang mga pwede pang mapalakas sa kakayahan ng kanilang mga player na madadala sa kompetisyon sa labas ng kanilang Gym.

‘’Nakita natin yung kanilang strong points and weakness yun i-improve pa natin ano”, sabi ni Coach Rj Salamillas.

“Kaya din naming ito ginawa para makita na namin kung kaya na nila o kaya na namin sila ng dalhin sa outside competition”, dagdag pa ni Coach Nadine Potes.

Per weight division at binase sa mga edad ang naging sistema ng kompetisyon.

Ang mga magulang o guardian ng mga manlalaro full support sa naging torneyo.

Pangarap ng Kalilayan Jiu-jitsu na magkaroon ng mga competitors ang Lucena City at Quezon Province sa Brazilian Jiu-Jitsu sa National o maging sa International Competition.

Sa pagtatasa, sa pamamagitan ng naging torneyo sa loob ng kanilang team, nakakagulat daw na sa loob lamang ng ilang buwan lahat ng kanilang manlalaro ay nagpakita ng kanya kanyang Brazilian Jiu-jitsu skills.

Labis ang pasasalamat ng mga coach sa mga magulang sa pagsuporta.

Self defense fitness ang pangunahing promosyon ng Kalilayan Jiu-jitsu kasabay ng paghuhubog sa bawat manlalaro ng kanilang team sa mas mataas na lebel na torneyo sa loob man o labas ng bansa.

Laging ipinapayo ni Coach Nadine at Rj sa kanilang mga estudyante na ang Brazilian Jiu Jitsu skills na taglay ay gamitin lamang hanggat maari bilang self defense.

ilang miyembro ng kanilang team ang sasabak muli sa isang Tournament ngayong paparating na Abril.

Samantala, nito lamang January sa unang sabak sa kompetisyon ng Kalilayan Jiu-Jitsu sa Makati City, ang kanilang anim na delagado lahat ay nakasungkit ng mga medalya.

Nais pa ng Kalilayan Jiu-jitsu na makilala sa buong Probinsya ng Quezon ang naturang Combat Sport.

Pin It on Pinterest