News

Urban Farming sa Barangay 3, Lucena City, Pinalalakas!

Upang palakasin ang kapasidad ng mga barangay para sa sustainable agriculture initiatives naglunsad ang Department of Agriculture ng Urban Farming Program para sa mga barangay, tinawag itong Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay (HAPAG) sa Barangay Project.

Alinsunod sa programa, sa Barangay 3 sa Lucena City ang isang bakanteng lote na dati na nilang taniman sa barangay binisita ng ilang opisyal upang muling pagyabungin, bagamat may mga tanim na dito ng ilang mga halaman at gulay, dadagdagan ito at pararamihin lalo sa mga gulay na karaniwang kailangan ng publiko na ayon sa Kapitan ng Barangay Tessie Lacorte ay handang ipamahagi.

‘’Kasi to nakaktulong din kapag nagkaroon ito ng mga bunga at lumago makakakuha rin dito ang mga kabarangay ko ng mga gulay imbis na bibili makakakuha sila rito ng libre”.

Hinihikayat ni Kapitan Lacorte ang kanilang mga residente na magtanim din sa kanilang mga bakuran, bagamat ang Barangay 3 at nasa kabayanan hindi raw hadlang ang limitatong lupa upang makapag tanim.

“Kahit naman wala silang lupa doon pwede namang sa mga bottle lang kung mayroon silang mga lata pwede maglagay doon”.

Bagay na ginagawa nila sa kanilang taniman sa barangay na pinangangasiwaan ng kanilang mga hepe ng tanod, sa mga plastic bottle na sana’y patapon na pinakikinabang sa kanilang taniman.

Ang nangungupahan nga sa lugar na si Aling Cholie, sa harapan ng kanilang apartment, may mga halaman at gulay na tamin gaya ng pechay na sadya raw na napapakinabangan nila kahit paano sa sangkap ng pagluluto hindi na nila kailangang bumili.

“Maige rin hindi kana manghihingi sa kapitbahay hindi ka na rin bibili. Anong tamin nyo diyan? pechay mustasa…ang problema ngayon sa mga tao ay tamad gusto ay bibili ng bibili, ay paano kung walang pambili”.

Ganito ang halimbawa na gustong mangyari ng DILG.

Samantala isang ordinansya sa Lucena City ang inihain ng Committee on Agriculture na naglalayon na magtanim sa mga bakanteng lote o lupa ang mga mamamayan sa nasasakupan ng bawat barangay bilang tugon sa programa ng DILG na magsisilbing istratehiya upang kahit paano ay makatulong sa pagtiyak ng seguridad sa pagkain sa bansa.

Pin It on Pinterest