News

Vehicular accident, pangunahing problema sa Sariaya – MESPO

 

Hindi ang masamang kondisyon ng mga kalsada ang pangunahing dahilan ng mga aksidente sa kalye na kadalasang nagreresulta sa pagbubuwis ng buhay at pinsala sa katawan.  Ayon kay Police Chief Master Sergeant Ismael Nocum, Municipal Executive Senior Police Officer o MESPO ng Sariaya Municipal Police Station, pangunahing problema ng kanilang himpilan ay ang vehicular accident.

Kaya naman upang mabawasan ang nangyayaring aksidente gumawa na ng paraan ang Sariaya PNP. Nanawagan naman si Nocum sa mga motorista na maging maingat sa pagbiyahe at magpanatili ng distansya sa ibang sasakyan, lalo na iyong mga malalaki.

Ipinayo niya rin na sundin at alamin ang iba’t ibang uri ng road line at maging mapagmatyag din sa mga road signs. May kahulugan ang iba’t ibang uri ng road line gaya ng broken line na nangangahulugang pwedeng mag-overtake kung ligtas o walang kasalubong.

Ipinagbabawal naman ang pag-overtake sa magkabilang panig kapag double solid ang linya. Dagdag pa ni Nocum, iwasang magpatakbo ng mabilis.

//Ferdinand Ramilo, 89.3FM Max Radio

Pin It on Pinterest