News

Vertical Buildings Gagawin sa Lucena para Makatipid sa Espasyo

Magkakaroon ng bagong plano sa pagpapatayo ng mga istruktura ang lungsod ng Lucena.

Ayon kay Julieta Aparicio, Office of the City Planning Development Coordinator, dahil sa maliit lamang ang lupang sakop ng lungsod na mayroon lamang mahigit walong libong ektarya at malaking bahagi nito ang nagamit na, mas makabubuti na pa-bertikal ang pagpapatayo ng mga building sa halip na palapad.

“So hindi naman natin pwedeng ubusin at siksikin ang ating ‘land areas’ base sa bawat gamit nito, so mas makakabuti na mag-expand tayo vertically,” sabi ni Aparicio.

Dagdag pa ng opisyal na maganda na ganito ang gawin kaysa mag-reclaim ng karagatan na mahalaga naman para sa sektor ng pangisdaan at transportasyon.

Maganda din daw ito para sa business at residential building lalo’t nauuso ngayon ang mga condominium.

“Mas mabuti po na ‘yung mga itatayo din nati na socialize housing project, apartment complex ay naka-vertical structure na para ma-maximize natin ang gamit ng space at mahalaga na maglaan tayo ng open space para sa park,”saad ni Aparacio.

Pagdating naman sa kaligtasan sa pagpapatayo ng mga ganitong istruktura, sinabi ni Aparicio na mayroon namang mga makabagong teknolohiya na aangkop dito at magkakaroon muna ng pagsusuri sa lupa bago magtayo ng isang building.

Pin It on Pinterest