News

Vice Mayor at konsehal ng Pitogo, Quezon, sugatan sa aksidente

Sugatan ang vice mayor at isang konsehal ng bayan ng Pitogo, Quezon matapos na ang sinasakyan ng mga ito ay sumalapok sa poste ng kuryente at sa pader ng bahay sa Brgy. Amontray sa naturang bayan nitong Biyernes ng gabi, September 30.

Batay sa report ng Pitogo PNP, minamaneho ng vice mayor na si Paul Timothy Villaflor, 42 taong gulang, ang kanyang SUV at pasahero ang konsehal na si Alexander Mosquite, 43 taong gulang, patungo sa bayan ng Gumaca, nang pagsapit sa isang kurbada ay mawalan ito ng kontrol sa manibela na naging dahilan ng kanilang aksidente.

Una rito, sumalpok muna ang sasakyan sa poste ng kuryente bago ito bumangga sa pader ng isang bahay sa gilid ng highway.

Dahil sa aksidente, nagtamo ang dalawa ng mga sugat sa ulo at katawan at agad isinugod ng mga tauhan ng Pitogo MDRRMO sa ospital sa bayan ng Gumaca para sa asistensyang medikal.

Batay sa imbestigasyon, mabilis ang takbo ng sasakyan kaya umano nag-overshoot ito sa kurbada na naging dahilan ng aksidente.

Pin It on Pinterest