News

Viral Kwebang Lampas Issue, inaksyunan ng Pagbilao LGU

Binigyan ng dalawang linggong palugit ng lokal na pamahalaan ng Pagbilao, Quezon ang pamunuan ng Kwebang Lampas para magsumite ng mga kaukulang papeles at dokumento hinggil sa operasyon ng nasabing resort.

Ito ay kasunod ng pagviral sa social media ng reklamo ng isang naging guest ng resort kung binansagan nitong “worst beach ever” ang kwebang lampas dahil sa naranasan nitong hindi magandang hospitility at accomodation mula sa mga tauhan ng beach.
Ayon kay Carlo Magno Ayaton – Administrative Aide 4 ng Pagbilao LGU, nagsagawa sila ng pagpupulong sa pangunguna ni Mayor Shierre Ann Palicpic upang resolbahin ang nasabing isyu.

Sa nasabing pulong, lahat ng partido na kasangkot ay sumang-ayon upang maisagawa ang kani-kanilang mga aksyon upang makatulong na malutas ang isyu. Ang MENRO Officer at ang Sanitary Officer ay nakatakdang magsagawa ng ocular inspection sa lugar upang matukoy ang pinakamahusay na paraan upang magsagawa ng tamang waste management. Makikipag-ugnayan at makipagtulungan sa Brgy. Ibabang Polo, lalo na mga opisyal nito, patungkol sa koleksyon ng basura.

Ang isyu ay nagsimula sa isang post sa Facebook ng isang Jerna Bangad Arevalo sa fanpage ng Pilipinas Travel Organizer noong April 30, 2017 na naglikha ng ingay sa social media. Ang post ay nakapagatala ng mahigit sa pitong libong reaction at mahigit sa apat na libong komento na halos lahat ay negatibo at nasa mahigit pitong libong shares mula sa netizens.
Samantala umaasa naman ang lokal na pamahalaan na muling manumbalik ang magandang imahe ng kwebang lampas at muling dayuhin ng mga turista.

Pin It on Pinterest