VP Leni, Planong Bigyan ng Trabaho ang Lahat ng Pilipino
Natitiyak ni Herminio Absalon, pangulo ng Pambansang Kilusan ng Samahang Magsasaka o PAKISAMA na ang plano ni Vice President Leni Robredo na mag-develop ng mga modernong pamamaraan ng pagsasaka at mamuhunan sa berdeng imprastraktura ay magpapalago sa industriya ng pagsasaka.
Ayon kay Absalon, wala pa man sa politika si VP Leni sinusuportahan na niya ang maliliit na magsasaka.
Aniya, marami ng naitulong si VP Leni lalo na sa usaping lupa.
Ang tawag sa planong ito ni VP Leni ay “Hanapbuhay para sa Lahat” kung saan naka-sentro ang pagbabalik ng tiwala sa gobyerno, pagpapalakas ng iba’t-ibang industriya sa bansa, pagtigil sa diskriminasyon sa trabaho, pagbibigay ng suporta sa mga maliliit na negosyo, at saluhin ang mga nawalan ng trabaho lalo na ngayong pandemya.
Ayon kay VP Leni na ang tunay na pag-unlad ay makikita sa antas ng komunidad.
Aniya, kinakailangang umiikot rin sa antas nito ang pera, kita, at ang enerhiyang ekonomiko.
Kung saan ang pangunahing instrumento daw nito ay ang trabaho dahil pag mayroong trabaho ang isang Pilipino ay may kita ito na syang gagamitin upang tugunan ang pangangailangan at tumangkalik sa negosyo.
Sakaling siya ay maging Pangulo, tututukan ni VP Leni ang pagpapalakas sa mga industriya ng mga marino, climate o ang environment, kasama na rito ang pagsasaka at pangingisda, ang teknolohiya, at manufacturing dahil naniniwala siya na makapagbibigay ang mga ito ng maraming trabaho sa mga Pilipino.
Ang estima ni VP Leni ay magkakahalagang P192 billion ang kanyang programa para mabigyan ng hanapbuhay ang lahat ng Pilipino. Ang perang ito ay manggagaling na sa kasalukuyang budget ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan.
Tinitiyak ni VP Leni na malinis at matino ang kanyang magiging pamahalaan at ang halagang ito ay siguradong magbibigay ng trabaho para sa mga Pilipino.