Waste Material na Nalilikom sa Palengke Napapakinabangan ng mga Magsasaka
Upang mabawasan ang kinokolektang basura sa pampublikong pamilihan ng Lungsod ng Lucena ay ginagawang compost ang mga waste materials dito mula sa hasang, kaliskis ng isda at iba pang waste ng marine products. Ang hakbang na ito ay mula sa pagtutulungan ng City Agriculture at ng Public Market Administration. Ito ay inihayag ni Lucena City Public Market Administrator Mr. Noel Palomar sa programang Usapang Tapat ni Manong Nick
Upang hindi daw agad mapuno ang sanitary landfill ay napag desisyunan ng City of Agriculture na ibahagi ang kanilang kaalaman sa pag cocompost upang ang kawani na ng Public Market ang mag magsasagawa ng pagbuburo.
“Papaano po ba ang pwede naming gawin para ito po ay hindi na mapasama sa dadalhin sa sanitary landfill? So, tinuruan po kami kung papaano ang pagco-compost ng mga market by-products.”
Dagdag pa ni Palomar na dahil wala silang budget sa mga materyales, ay nag prisinta na daw ang City Agriculture na pahiramin na lang sila ng mga kakailanganin sa pagga-grind ng mga basura. Ang proseso ng composting ay tumatagal ng 30 days bago maging Fish Amino Acid. Ayon din sa Public Market Administrator na ito ay ibinabalik din nila sa Agriculturist Office at sila na ang mag didistribute nito sa mga mag sasaka.
Ito daw ang ginagawa sa araw araw ng mga Public Market Administration at ayon pa rin kay Palomar ay malaking kabawasan sa nakokolektang basura mula sa palengke.