2 bayan sa Quezon, mawawalan ng kuryente sa loob ng 12 oras
Nag-abiso ang Quezelco-1 na pansamantalang mawawalan ng daloy kuryente sa bayan ng Guinayangan at ilang bahagi ng Calauag (From Brgy. San Roque to UPPER CALAUAG) sa darating na Linggo, Abril 21 simula alas-singko ng umaga hanggang alas-singko ng hapon.
Batay sa kanilang power advisory, dahil umano ito sa pagpapalit ng 5MVA Power Transformer sa Balinarin Substation sa bayan ng Guinayangan.
Tiniyak naman nila na agad na maibabalik ang daloy ng kuryente kapag natapos na ang naturang pagpapalit ng transformer.